Jump to content

User:Salasvelasco02/sandbox

From Wikipedia, the free encyclopedia

Mauro Libertella

[edit]
Mauro Libertella (México City,1983). Isang Argentinian na manunulat at kultural na mamahayag. Nagsulat ng mga nobela tulad ng Mi libro enterrado, Un reino demasiado breve at Laberintos en línea recta. [1]

Ipinanganak sa lungsod ng Mexico noong 1983, Si Mauro Libertella ay isang manunulat na Argentinian na lumaki at nanirahan sa Buenos Aires, kung saan siya nag-aral at nagtapos ng panitikan. Bilang isang kulturang mamahayag, regular siyang sumusulat para sa Clarín (Argentina), Letras Libres (México) and Qué Pasa (Chile).[2]

Ilan sa kanyang mga akda ay ang mga nobelang Mi Libro Enterrado (Ang Aking Inilibing na Aklat), kung saan tinalakay niya ang kanyang personal na relasyon sa kanyang ama; El invierno con mi generación (Taglamig Kasama ang Aking Henerasyon), isang kuwento tungol sa mga magkakaibigan sa Buenos Aires sa pagtatapos ng ika-20 siglo; at Un reino demasiado breve (Isang Maikling Kaharian), isang nobelang naglalakbay sa masalimuot na emosyon ng tatlong magkakaugnay na relasyon. Bukod dito, nailathala rin niya ang El estilo de los otros (Ang Estilo ng Ibang Tao), na naglalaman ng isang koleksyon ng 18 panayam sa mga kontemporaryong manunulat sa Latin America.

Noong Disyembre 2016, kinilala siya ng Guadalajara Book Fair bilang isa sa dalawampung natatanging manunulat mula sa Latin America na ipinanganak noong dekada 80. Noong Mayo 2017 naman, napabilang siya sa listahan ng Bogota39 ng Hay Festival, na nagbibigay-pugay sa 39 na pinakamahusay na manunulat mula sa Latin America na wala pang 39 taong gulang.[3]

Buhay at Karera

[edit]

Si Mauro Libertella ay anak ng mga manunulat na si Héctor Libertella and Tamara Kamenszain. Ang kanyang ama na si Héctor Libertella ay ipinganganak sa lungsod ng Buenos Aires noong Agosto 24, 1945. Bata pa lamang si Héctor ay mahilig na siya magbasa lalo na ang mga likha ni Jorge Luis Borges. Ginugol niya ang oras ng kanyang kabataan sa pagsusulat ng isang nobela. Noong 1965, nanalo si Libertella sa unang puwesto sa Primera Plana Prize para sa Argentine Novels. Pagkalipas ng tatlong taon, ang kanyang nobela El Camino de los Hiperboreos ay nakatanggap ng Paidós Novel Award (1968). Sa kanyang kapanahunan, si Libertella ay nagsagawa ng iba't ibang mga kasanayan sa paligid ng panitikan. Bilang isang may-akda, naglathala siya ng mga maikling kwento, nobela at maimpluwensyang sanaysay. Siya ay nagsilbi bilang isang literary director ng Monte Ávila Editores de Venezuela, direktor at coordinator sa publishing house ng National Autonomous University of Mexico (UNAM) at general manager ng Economic Culture Fund sa Argentina. Bilang isang propesor, nagturo siya sa mga unibersidad ng New York, Mexico at Buenos Aires. Nagtrabaho din siya sa Philology area ng CONICET (National Council for Scientific and Technical Research ng Argentina) bilang isang mananaliksik.[4]

Ang ina naman ni Mauro Libertella na si Tamara Kamenszain ay isang Argentine na makata at mananaysay na ipinanganak noong 1947 sa Buenos Aires, Argentina. Nag-aral siya ng pilosopiya at sa murang edad ay nagtrabaho sa pahayagan at kalaunan ay nagturo ng panitikan sa isang unibersidad. Noong dekada sitenta, naging bahagi siya ng henerasyon ng mga kilalang makata katulad ni Arturo Carrera at Néstor Perlongher na tinawag na neo-baroque. Ang kanyang mga sanaysay sa Argentine at Latin American na tula ay ginamit bilang mga materyal sa pag-aaral sa Argentine at mga dayuhang unibersidad. Ang kanyang mga libro ng tula ay isinalin sa iba't ibang wika. Itinuturing si Tamara Kamenszain na isa sa mga tinig na nakaimpluwensya sa mga bagong henerasyon ng mga makata.[5]

Ipinanganak noong 1983 sa lungsod ng Mexico sa panahon ng pag-exile ng kanyang pamilya, Si Mauro ay lumaki at naninirahan ngayon sa Buenos Aires. Nagtapos si Mauro ng kursong Literatura sa Universidad de Buenos Aires. Bilang isang kulturang mamamahayag, nakapagsulat siya para sa Revista Ñ, Página/12, Perfil, Inrockuptibles, Brando (Argentina); Quimera (Spain); Letras Libres at La Tempestad (Mexico).[6] Siya ang editor ng Vinilo, isang independenteng publishing house na nakatuon sa maikling naratibo at malikhang dipiksiyon. Ang kanyang bagong libro, Un futuro anterior, ang ikatlong aklat ng kanyang nagging serye ng personal na fragmento, ay nilathala ng Sexto Piso. Sa librong ito, bumalik si Mauro sa pagsasalaysay ng sariling karanasan, parang isang memoir- bahagi ng kanyang buhay na naisalarawan- at tinalakay ang isang kuwento ng pag-ibig na may bahid na pagsisisi, kung saan ang nagkukuwento, si Mauro, ay umibig kay Leticia habang pareho pa silang may ibang kasintahan. Sinusundan nito ang kanilang relasyong sinimulan sa hindi tamang pagkakataon, na may halong pagmumuni-muni hanggang ito’y umabot sa kasalukuyan sa anyo ng tradisyunal na pamilya. Dito sa kanyang libro, pinagsama ni Mauro ang pagsasalaysay at pagsulat ng sanaysay na may kahanga-hangang kahusayan at malinaw na prosa, tinatawid ang bangin na naghihiwalay sa panitikan at buhay, at nagbibigay ng tinig sa isang pagkalalaki na hinuhubog ng mga damdamin. [7]

Ayon sa manunulat na si Irina Bondarenco, si Libertella ay isa sa pinakamahusay na manunulat ng kathang-isip sa Latin Amerika sa loob ng nakaraang apat na dekada. Dagdag ni Bondarenco, si Libertella ay nagmula sa pamilya ng mga manunulat, ay nakapaglathala na ng apat na nobela at tumanggap ng maraming parangal tulad ng Bogota39 at pinakamahusay na batang manunulat. Binigyang diin ni Bondarenco ang halaga ng kwento ni Mauro sa konteksto ng damdamin at mga relasyon. Ayon sa kanya “ang kwento ni Mauro ay mahalaga para sa nakaranas ng komplikadong mga ugnayang emosyonal.”[8]

Mga Librong Sinulat

[edit]
  1. Un futuro anterior[9]
  2. Mi libro enterrado[10]
  3. Bogotá 39: Jóvenes escritores latinoamericanos[11]
  4. Un reino demasiado breve[12]
  5. El invierno con mi generación[13]
  6. Ricardo Piglia a la intemperie[14]
  7. El libro de las fobias[15]
  8. Un hombre entre paréntesis: retrato de Mario Levrero[16]
  9. Voces -30: Nueva narrativa latinoamericana[17]
  10. No Va Más: Mi Adicción al Juego[18]
  11. Laberintos en Linea recta[19]
  12. El estilo de los otros[20]
  13. Cuaderno de debilidades[21]
  14. INVIERNO CON MI GENERACION, EL[22]

Mga Sanggunian

[edit]
  1. ^ "Mauro Libertella". Revista Anfibia (in Spanish). Retrieved 2024-11-15.
  2. ^ "Mauro Libertella". Indent Literary Agency. Retrieved 2024-11-15.
  3. ^ "Mauro Libertella (autor de Un futuro anterior)". Babelio (in Spanish). Retrieved 2024-11-15.
  4. ^ "Héctor Libertella", Wikipedia, la enciclopedia libre (in Spanish), 2024-07-08, retrieved 2024-11-15
  5. ^ "Tamara Kamenszain". www.goodreads.com. Retrieved 2024-11-15.
  6. ^ "Mauro Libertella - Latin American Literature Today". Retrieved 2024-11-15.
  7. ^ Pasik, Daniela (2022-03-04). "Mauro Libertella: "Si termino de encontrar una definición para lo que hago, me va a dejar de interesar hacerlo"". Clarín (in Spanish). Retrieved 2024-11-15.
  8. ^ "Un Futuro Anterior: La novela de Mauro Libertella que explora amores prohibidos y vínculos complejos, recomendada por Bondarenco" (in Spanish). 2024-10-10. Retrieved 2024-11-15.
  9. ^ "Un futuro anterior". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  10. ^ "Mi libro enterrado". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  11. ^ "Bogotá 39: Jóvenes escritores latinoamericanos". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  12. ^ "Un reino demasiado breve (Spanish Edition)". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  13. ^ "El invierno con mi generación". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  14. ^ "Ricardo Piglia a la intemperie". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  15. ^ "El libro de las fobias". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  16. ^ "Un hombre entre paréntesis: retrato de Mario Levrero". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  17. ^ "Voces -30: Nueva narrativa latinoamericana". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  18. ^ "No Va Más: Mi Adicción al Juego". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  19. ^ "Laberintos en línea recta". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  20. ^ "El estilo de los otros". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  21. ^ "Cuaderno de debilidades". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.
  22. ^ "INVIERNO CON MI GENERACION, EL". Goodreads. Retrieved 2024-11-15.