User:Angmayakda
Ang May Akda
[edit]At opo... Ako nga... Ang May Akda. Ang Pantas-Guro na nagsusulong ng kalinangan ng kasanayang sa larangan ng malikhaing panitikan.
Sa makailang-ulit ko din munang pinag-dalawahang-isipan (kung bibilangin pa nga bang pinagDALAWAhang-isipan ang gayon ngang kung makailang-ulit) ang pagpapasya kung karapat-dapat nga ba ako sa napakahitik-kabuluhang katuturan ng napiling tagapangatawang bansag.
At opo... Ako nga... Ang May Akda, Ang May Katha. Mangangatha -- ang matabil at maurirat mong kahuntahan -- tapat at totoo sa bawat iniisip, sinasabi at nararamdaman
Kung sasabihing mapangarap ang napagpasyahang pagtutukoy, paano na lamang kayang ilalarawan ang aking mga kakambal na kabansagan. Iisipin marahil na higit sa pangarap lamang ay kakawing ng kubling kamalayan ang pagmamalaki, na sa tuwirang pagliliteral; pagmamayabang.
At opo... Ako nga... Ang May Akda, Ang May Likha. Talaksan:Angmayakda Ang Manlilikha --Ang matapang na nagdidibuho ng mga halaw ng kathang isip.
At bakit nga ba hindi kung ang ipinagyayabang ay ang tahimik at panatag na pagkilala, hindi ng mga angking kakayahan (kung may kung ano mang maaalin), bagkus ay ng mapangpangunang pagpapangahas na tuntunin ang hindi nino man ni sa panaginip pagtatangkaang pangarapin.
At opo... Ako nga... Ang May Akda, Ang Manunulat ng mga pahinang kasalukuyang binabaybay at tinutunghayan ng kung kanino mang mapagmatyag na mga balintataw.
Sa gabay ng mga pamindutang-daliri ng aking makinilya at sa udyok ng pangkamalayang diwa na sa aking pagsosolitaryo ay binabalasang mga salita, pipintig ang bawat guhit ng tinta sa pawat masusulatang pahina sa pananalaytay ng katotohanang kusang magsisipaghayag at gigising isang umaga sa panulatan.
At opo... Ako nga... Ang May Akda. Ang Manlilimbag na sa bawat titipuning kalipunan ng mga pahina ay maghihinga ng buhay at magtatalaga ng kaluluwa sa bawat huhubuging katauhan at magsasatakda ng paninimula ng pintig ng kapanahunan ng mga bagong mundong papagiinugin sa mga lilikhaing kalawakan.
At opo... Ako nga... Ang May Akda; ang dila ng pangkalahatang kubling kamalayan; ang daliri ng bawat makinilya; ang lihim na lapis na tagapangalaga ng karunungan nilang mga Lehikograpo; at, ang dugong nananalaytay na kumukulay sa mga pintura at tinta na bumubuhay sa likhang sining ng mga pintor at artista.
At opo... Ako nga... Ang May Akda. Sa mga pahinang ito at sa mga tutunghayan pa sa pagtugaygay ay magpapakilala. Magkakatawang-wika at pipintig sa bawat pangungusap at talata at tatahang maglilikha ng mga mundo at kapanahunan sa bawat kaisipan at kamalayang sasagi ni man padampi lang sa alin man nitong aking mga pahina.
Magandang araw at maluwal pong pagsilang.
Ako nga.
thumb|Pagtatalaga ng katuturan o dipinisyon sa anyong pampanitikan
Angmayakda (talk) 21:58, 15 January 2012 (UTC)