DescriptionCataingan Port damage - 2020 Masbate Earthquake 06.jpg
Tagalog: INCIDENT REPORT: Nagbitak-bitak ang ilang bahagi ng Cataingan Port matapos ang 6.5 magnitude na lindol sa Cataingan, Masbate kaninang umaga, ika-18 ng Agosto 2020.
Sa kabila nito, ligtas ang lahat ng port personnel, tripulante, at mga mangingisda na nasa pantalan noong maganap ang insidente. Walang ring naitalang aksidente sa karagatan kasabay ng lindol.
Ayon sa Coast Guard Station – Masbate, pansamantalang itinigil ang operasyon ng Cataingan Port habang nagpapatuloy ang safety assessment sa mga kritikal na bahagi ng pantalan.
Muli namang binuksan ang Cataingan Port para sa biyahe ng mga sasakyang pandagat kaninang alas dose ng tanghali.
Samantala, naramdaman rin ang malakas na pagyanig sa Coast Guard Regional Training Center sa Masbate kung saan nagsasanay ang 476 na female trainee ng PCG. Sa kabila nito, walang naitalang ‘casualty’ sa naganap na insidente.
Pagkatapos ng lindol, agad na bumuo ng Deployable Response Group (DRG) ang Coast Guard Station – Masbate para mapabilis ang pagresponde sa Cataingan Port at mga kalapit na lugar.
[Photos Courtesy of Coast Guard Station – Masbate]
This work is in the public domain in the Philippines and possibly other jurisdictions because it is a work created by an officer or employee of the Government of the Philippines or any of its subdivisions and instrumentalities, including government-owned and/or controlled corporations, as part of their regularly prescribed official duties; consequently, any work is ineligible for copyright under the terms of Part IV, Chapter I, Section 171.11 and Part IV, Chapter IV, Section 176 ofRepublic Act No. 8293and Republic Act No. 10372, as amended, unless otherwise noted. However, in some instances, the use of this work in the Philippines or elsewhere may be regulated by this law or other laws.
Uploaded a work by Philippine Coast Guard Station - Masbate from [https://www.facebook.com/112152289453434/posts/583084545693537/ Philippine Coast Guard Official Facebook Page] with UploadWizard